Ano senyales na may gusto sayo ang isang lalake o babae? Kailangan mo munang alamin kung anong katangian meron ka sa pamamagitan ng pagtatanong sa ’yong mga kaibigan at kapamilya, kung ano ang nagustuhan nila sayo. Magtanong-tanong ka din sa ibang taong nakakakilala sayo para sa kanilang pakiwari. Kapag natuklasan mo na ang mga katangian meron ka ay wala sa hinahanap ng crush mo, huwag mo nang piliting magustuhan ka dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili para mapansin ka, dahil darating din ang panahon na makakahanap ka ng lalake o babaeng magugustuhan ka kung anong ugali na meron ka. Mga Tips para malaman mo kung type ka ng lalake o babae Alamin kung may pagasa ka ba o ikaw yung tipo ng crush mo sa pamamagitan nitong mga senyales: · Kilos at galaw – Isa sa mga paraan upang makilala ang isang tao ang pagobserba ng kanilang galaw o body language. Kapag interesado ang tao sayo madalas nakatingin siya habang kayo ay nag-uusap. Tingnan mo din ang paa niya habang kausap mo siya. Malalaman mong may gusto siya o interesado siya sayo kapag nakaturo ang paa paharap sayo. · Paselos style – Isa sa mga senyales na gusto ka ay kung habang kausap niya ang mga kaibigan o kasamahan ninyong babae/lalaki, mapapansin mo na panay ang tingin sayo. Malamang intensyon niya ay pagselosin at mabaling ang atensyon mo sa kanya. · Titigan ang mata o eye Contact – Tingnan mo maigi sa mata ang taong gusto mo habang kayo’y magkausap. Kapag lumaki ang itim ng mata na nasa sentro (pupil), ibig sabihin type ka niya, dahil ang isang tao kapag may gustong bagay lumalaki ang pinaka gitnang parte na itim ng mata nito. · Hulog Style – Isa sa mga paraan ang pag-hulog ng anumang bagay sa harapan o pag-dumaan ang crush mo, kapag pinulot niya at inabot sayo, maaaring ibig sabihin na crush ka niya. Halimbawa kung ang aklat na dala mo na nahulog ay pinulot niya, maaaring type ka niya. Ngunit huwag laging mag-assume na gusto ka agad dahil pwede ding mabait lang ang crush mo). · Text at Call - Malalaman mo na type ka ng lalaki/babae kapag nag-reply agad at gumagawa ng paraan para makapag-reply ka sa kanya. Kung Question and Answer lang ang nangyayari sa inyo at ikaw lang palagi ang taga-tanong, kelangan mo na sigurong tigilan ang paghahanap ng paraan para mapansin ka, lalong-lalo na sa mga babae. Laging tandaan kapag gusto ka niya, laging may oras sayo para magtext o mag-reply ng message mo. Malalaman mo din na hindi ka gusto ng crush mo kapag nag-text ka ng pagkahaba-haba at reply lang sayo ay “Ok”, “Ahhh”. Isa din sa mga senyales na interesado siya sayo, kapag nagtext at nangangamusta siya about sa maghapon mo at nagkwekwento tungkol sa buong araw na nangyari sa kanya. Mas mahalata mo na gusto ka niya kapag tinawagan ka. Kapag ang isang tao tumawag sa’yo ng gabi na, magandang senyales yan. Baka nahuhulog na siya sa 'yo. (Pero huwag kang mag-isip na gusto ka niya kapag tinawagan ka regarding lang sa ‘work’ pala). · Pagimbita lumabas – Para sa mga babae: Mayroong mga lalake na likas na torpe. Kaya't magandang senyales kapag niyaya kang lumabas. Ngunit minsan hindi natutuloy ang lakad niyo ng crush mo. Kapag sinabi niya: “Di ako pwede ngayong gabi e, sorry ha.” Ganyan lang? Hindi magandang pangitain yan. Ibig sabihin hindi siya siguro interesado sayo. Kapag sinabi naman ng lalake “Sayang di ako pwede ngayon. Pwede ka ba bukas?” Good sign 'yan. Ibig sabihin niyan, totoong may dahilan sa hindi pag-tuloy at gusto niya pa din lumabas kayo. Kapag ang lalaki nangako na magkita kayo at pagdating ng oras ng pagkikita ay bigla na-cancel ulit, wala siyang pakialam sayo. Para sa mga lalake: Para sa mga lalaki malalaman mo na attracted sayo ang girl kapag niyaya mo siyang lumabas at ang sagot ay “Pwede”. Minsan may mga babae na ayaw ipahalata sa lalaki na may gusto sya dito kaya ang nagiging sagot “Titingnan ko”. Kapag pumayag din sa bandang huli ibig sabihin type ka ng babae. Pero minsan ang sagot na “Titignan ko” ay paasa lang. Ibig sabihin ayaw niyang lumabas kasama ka at nahihiya lang siyang i-reject ka ng harap-harapan. Sa pangalawang date kapag pumayag ulit ang girl na lumabas kayo, malaki ang chance mo. Kapag nagdadahilan na sayo, pwedeng may ginawa ka na naka-turn-off sa kanya na hindi mo lang napapansin. Dapat mag-ingat ka sa first date ninyo para iwas basted ng maaga. Kung ang babae may kasama sa first date niyo, ang dahilan ay nahihiya lang siguro siya sayo at natatakot na baka anong gawin mo sa kanya. Pupwede ring hindi ka talaga niya gusto. · Pagsama sa mga kaibigan – Sa isang okasyon kung magkasama at magkatabi kayo ng crush mo at parang naiilang siya, kagaya ng pag-distansiya sayo kapag andyan ang mga katrabaho o kaibigan mo, para hindi kayo magmukhang mag-partner, maaaring hindi ka niya type. Malamang may gusto sayo ang crush mo kapag proud siya kinakausap ka sa harapan ng mga kaibigan niya at lagi kayong magkatabi sa party, dahil pinagmamalaki ka niya sa ibang tao. Para sa mga babae: Iba’t-ibang uri ng ugali meron ang mga lalaki, may mga lalaking pinaparamdam agad sa babae na may gusto siya dito. May lalaki din na mahiyain, nahihiyang lapitan ang babae para kausapin at nagkakasya na lamang sa pasulyap-sulyap. In short, Torpe. May mga lalaki din na dinadaan sa suplado effect kapag gusto niya ang babae. Laging galit ito sa babae at pamimintas ang ginagawa, para maagaw ang atensyon ng babae. At higit sa lahat, para itago ang nararamdaman sa babae. Para sa mga lalake: Minsan may gusto sayo ang babae kapag suplada effect siya, kunwari ay deadma ka niya pag-andyan ka, yung tipong parang hindi ka nag-eexist. Kapag type ka niya, hindi ito makatingin ng diretso sayo. Kapag naman magkaharap kayo habang nag-uusap, hindi siya mapakali sa pagkakatayo/pagkakaupo. Pagdating sa pag rereply ng text, may mga babae na hindi agad-agad sumasagot sa text. Gusto malaman ng babae kung magtetext pa ba ulit ang lalaki. Dahil gusto malaman ng babae, kung seryoso ba talaga at matiyaga sa kanila ang lalaki. (Pero kung mahigit sa 3 beses na ang text mo at hindi nagreply ang babae, talagang hindi ka siguro type nito). Mahalata mo din na gusto ka ng girl, kapag niyaya ka niyang lumabas kasama ng kanyang mga kaibigan, lalo na kung mag-partner kayo sa lakad ng grupo. May mga babae din na likas sa kanila ang pagkadalagang pilipina kaya dapat matiyaga ang lalaki pagdating dito. Nakaka-panibago ng buhay ang pagpili ng isang kasintahan o asawa na makakasama sa buhay, dahil maari maging sukatan ito kung gaano ka kasaya at kung gaano ka magiging matagumpay sa buhay. Ngunit karamihan sa pagpili natin ng partner ay nangyayari sa pinakamalalim na parte ng ating isipan. Maraming teknik ang pwedeng gamitin upang mabasa ang isang babae sa kanyang kilos. Mahirap man ito sa umpisa, ang sikreto ay ang pagbasa ng mga simpleng mga galaw. Halimbawa, sa mga kababaihan, ang mahinhin na paghawi ang ng buhok ay isang senyales ng pagpapansin o paglalandi. Sa pamamagitan ng pagayos ng buhok, tila sinasabi ng babae na "Tignan mo ako at karapatdapat ako. Masagana at maganda ako!" Dahil simbolo ng pagkababae ang mahabang buhok at maiksi naman sa lalake. Ang konting yuko at sabay ngiti ay nagpapahiwatig ng pagbibigay at pagka-interes sa parte ng babae. Isa sa pinaka sensitibo at sexy na parte ng babae ay ang kanyang leeg, at ang pagdaplis nito ay nakakakuha ng atensyon ng isang lalake. Kapag tinanggal ng babae ang kanyang sapatos ng bahagya, ito ay isang positibong senyales sa isang lalake. Ang sinasabi nito ay: “Sa pagtanggal ko ng kalahating parte ng aking sapatos, ipinapakita ko na ako ay kumportable at handa pa na magtanggal pa ng ibang aking kadamitan o suot." Naniniwala ang mga sikologo (psychologists) na naililipat ng tao ang kanilang damdamin sa mga gamit na nahahawakan. Kaya't kapag madalas hinahaplos ng babae ang kanyang basong inumin, maaaring sinasabi niya rin na "haplusin mo ako". Simple lang ang takbo ng utak ng isang lalake. Gusto niya ng atensyon ng mga nakakaakit na babae. Kung alam niya na gusto mo siya, mawawalan siya ng interes sa paghabol o pagpapasikat sa iyo. Kapag obvious na gusto mo na siya, alam niya na hindi na niya kelangan magpursigi upang makuha ang atensyon mo at makakalimutan niya ang paghabol sa iyo. Titigan mo siya ng malalim kapag kausap siya. At sumulyap sulyap sa kanya paminsan minsan kapag malayo siya. Ngunit biglang bawi ng tingin kapag tumingin siya sa iyo. Gusto mo siya paisipin. Kapag di mo pa masyado kilala ang isang lalake, maging maingat sa paglalandi. Gusto mo malaman niya na interesado ka sa kanya, ngunit hindi niya dapat malaman na malakas na tama mo sa kanya. Dapat ay magtimpi ng kaunti sa pagpapakita na patay na patay ka na sa kanya. (Last reviewed: 25 March 2019) References: Johns, M.M., Zimmerman, M., & Bauermeister, J. (2012, July 31). Sexual attraction, sexual identity, and psychological identity in a national sample of young women during emerging adulthood. Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3529130/ Stierwalt, E.E.S. (2017, November 4). The surprising scientific reason behind physical attraction. Retrieved from https://www.scientificamerican.com/article/the-surprising-scientific-reason-behind-physical-attraction/ (责任编辑:) |