BALANGKAS NG MGA
PANGYAYARI •PANIMULA - Si Liongo ay isinilang sa isa sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya. Siya ay may taglay na lakas at kasintaas ng higante. Hindi siya nasasaktan ng anumang sandata ngunit kapag ang isang karayom ay naiturok sa kanyang pusod, siya ay mamamatay. si Mbwasho (kanyang ina) lamang ang nakakaalam nito. •PAGTAAS NG PANGYAYARI - Si Liongo ay hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, Isla ng Pate. Subalit ang hinirang na hari ay hindi siya, bagkus ang kaniyang pinsang si Sultan Ahmad. Maaring nagkagayon dahil sa impluwensiya ng Islam. Maaaring nang dumating ang Islam ay nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng paghalili o pagpapalit ng pamunuan sa trono mula sa matrilineal tungo sa patrilineal. Ang matrilineal na sistema ng pamumuno ay nakabatay sa angkan ng kababaihan (ina tungo sa anak na babae).Samantala, ang patrilineal na sistema ng pamumuno ay batay sa kalalakihan (ama tungo sa anak na lalaki). •KASUKDULAN - Nais ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo, kaya ibinilanggo niya ito at ikinadena. Isang mahaba at papuring awitin na kaniyang nilikha (Liongo) at inawit ng mga tao sa labas ng bilangguan. Ang koro ng awitin ay nakalikha ng malakas na ingay na kumalag sa tanikala ni Liongo nang hindi naririnig ng mga bantay. Nang nakitang nakawala sa bihag, nagsitakas ang mga guwardiya dahil sa takot sapagkat hindi nila kayang talunin si Liongo. •KAKALASAN - Nagtungo si Liongo sa kagabutan at nanirahan doon kasama ang mga Watwa,ang mga nananahan sa kagubatan. Natuto si Liongo na pandayin ang kaniyang kasanayan, sa paghawak ng busog at pana. (责任编辑:) |