织梦CMS - 轻松建站从此开始!

欧博ABG-会员登录-网站

当前位置: 欧博ABG-会员登录-网站 > abg欧博 > 文章页

ANO KAHULUGAN NG PANAGINIP DATING KASINTAHAN O EX

时间:2025-01-14 12:27来源: 作者:admin 点击: 14 次
What is meaning of dreams about ex lover or ex boyfriend or girlfriend divorced or estranged husband or wife

Ano Ang Ibig Sabihin Kapag Napanaginipan Mo Ang Iyong Ex bf boyfriend o Ex gf o girlfriend?
Ikaw ba ay lagi na lang nananaginip tungkol sa isang tao na minsan ay naging bahagi ng iyong buhay o dating minamahal? Sinasabi ng mga nag-iinterpret o nagpapaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip na isa sa mga dahilan nito ay dahil meron pa kayong di natatapos na usapin ng taong ito.


Ang interpretasyon ng panaginip ay naaayon sa taong nagbabasa nito, ayon kay Sigmund Freud. Ito ay sapagkat maraming kadahilanan ang puwedeng makaimpluwensya ng panaginip ng isang tao.

May Malubhang Kalagayan
Sa mga sinauna o tradisyunal na interpretasyon, kapag sinasabing napapanaginipan mo ang taong dating naging bahagi ng buhay mo, ito ay dahil siya ay nahaharap ngayon sa matinding suliranin kung kaya’t madalas at sunud sunod mo siyang napapanaginipan.
Kapag ikaw ay may karelasyon na ngayon at maiintindihan niya ang interpretasyon na ito, maaari mong kumustahin ang iyong ex kung ano na ang kalagayan niya ngayon, upang malaman mo kung okey ba siya o hindi. Maaari kasing matapos mo siyang makumusta ay ito ang magiging daan para hindi mo na siya mapanaginipan muli.

Maaari mo rin siyang hindi kumustahin ng personal, at sa halip ay alamin mo lang ang kanyang kalagayan. Kapag nalaman mo na ang kanyang kalagayan, maaaring ito na ang simula na hindi mo na siya mapanaginipan muli.

May gusto ka pa rin sa kanya o may gusto siya sa iyo
Isa pang interpretasyon kung kaya’t napapanaginipan mo ang iyong ex-husband/boyfriend o ex-wife o girlfriend ay dahil magpahanggang ngayon ay may gusto ka pa rin sa kanya at bigla bigla na lang siyang pumapasok sa iyong panaginip. Kapag ikaw ay may asawa na o kasintahan, mas makabubuti na hindi mo na buhayin ang komunikasyon sa pagitan ninyong dalawa. Sa kadahilanang maaaring makagulo ito sa iyong kasalukuyang pamilya. Lalong lalo na kung maligaya ka na sa piling ng iyong kabiyak.

Hindi maiiwasan na minsan ay sumagi sa ating isip at panaginipan ang mga taong naging bahagi ng ating nakaraan sapagkat namimiss mo rin ang presensiya nila. Ang ating kamalayan ay minsan ay malikot at sumasagi sa isip natin kung ano kaya ang sitwasyon kung kayo ang nagkatuluyan. Kung makakausap mo ang isang psychologist tiyak na tatanungin niya sa iyo kung maligaya ka ba sa piling ng iyong kabiyak ngayon. Sapagkat ang tanong na ‘what if’ ay tinatanong lamang ng isang unconscious self na hindi maligaya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Ang kasagutan nito ay tanging ang nanaginip lang ang makakasagot.

Samantala, sa biglang tingin ay maraming naniniwala na kaya raw napapanaginipan ng isang tao ang kanyang ex ay dahil may gusto pa rin ito dito magpasahanggang ngayon kung kaya’t binabagabag sila ng kanilang sarili sa panaginip. O kaya naman ay ang kabaliktaran na ang taong ito ay may gusto pa rin sa iyo kung kaya’t patuloy mo pa rin siyang napapanaginipan.

Alaala ng masayang nakaraan
Maaari din namang hindi talaga ang ex (dating syota o asaw) mo sa panaginip ang namimiss mo kung hindi ang sitwasyon or pangyayari na magkasama kayong dalawa. At muli ay magbabalik tayo sa naunang paliwanag na baka hindi ka maligaya sa kasalukuyan mong sitwasyon kung kaya’t hinahanap hanap mo ang dating masarap na pangyayari ninyong dalawa ng lalaking naging bahagi ng iyong nakaraan. Sa saktong salita, may hinahanap ka na kulang sa iyong relasyon ngayon kaya napapanaginipan mo ang isang nilalang na may masayang bahagi sa iyong nakaraan.

Ang panaginip daw ay naghahayag o lantarang nagsasabi ng kasalukuyang nilalaman ng iyong puso na hindi mo maisaliwalat. Kapag ang napapanaginipan mo ay ang iyong dating kasintahan o ex, ibig sabihin ay marami kang kinikimkim sa iyong puso na dapat mong pagnilayin. Maaaring ang ibig sabihin nito ay isa sa mga nabanggit sa itaas. Sa huli, nasa sa iyo kung paano mo ii-interpret o gustong ipaliwanag ang panaginip mo sa taong iyon. Isipin mo kung ano ang posibleng sagot at kung bakit mo siya napapanaginipan. Ano ang pagkukulang mo sa taong ito? May gusto ka pa ba sanang sabihin o gawin sa dating minamahal?

References:

Freud, S. (1994). The Interpretation of Dreams (Modern Library) (Reissue ed.). Modern Library.

American Psychology Association. (n.d.). APA dictionary of psychology. Retrieved from https://dictionary.apa.org/dream-interpretation


MAGBASA PA NG KAHULUGAN NG IBANG PANAGINIP

(责任编辑:)
------分隔线----------------------------
发表评论
请自觉遵守互联网相关的政策法规,严禁发布色情、暴力、反动的言论。
评价:
表情:
用户名: 验证码:
发布者资料
查看详细资料 发送留言 加为好友 用户等级: 注册时间:2025-02-05 21:02 最后登录:2025-02-05 21:02
栏目列表
推荐内容