Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Ang ponolohiya (mula sa salitang Griyego: φωνή, phōnē, "tunog, boses") o palatunugan ay sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes) ng isang wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan (i.e. morpema o morphemes, salita). Ponetiko at ponolohiya[baguhin | ] Ang batayang yunit ng tunog na pinag-aaralan sa ponolohiya at ponetiko ay ang ponema (o phoneme). Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika. Ang ponetiko ay ang pag-aaral ng mga tunog na posibleng likhain ng tao na matatagpuan sa lahat ng wika. Samakatwid, ito ay ang siyentipikong pag-aaral ng paglikha ng tao ng tunog na kanyang ginagamit sa wika, at kung paano ito tinutukoy ng tao mula sa iba pang mga tunog na hindi bahagi ng wika. Samantala, ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog ng isang wika upang makalikha ito ng kahulugan. Sa madaling salita, ang Phonetics ay nakatuon sa pag-aaral ng imbentaryo ng mga tunog ng wika ng tao na nagmula sa mga pinagsama-samang set ng tunog ng lahat ng wika, at ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng set ng tunog ng isang wika o ang pagkukumpara ng mga set ng tunog ng iba’t ibang-wika. Morpoponemiko[baguhin | ] Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kapaligiran nito. Mga uri ng pagbabagong morpoponemiko sa wikang Filipino: Asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat. Halimbawa: mang + tahi = manahi, pang + palo = pamalo, pang + takot = panakot Pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng ponemang "r". Halimbawa: ma + damot = maramot, ma + dunong = marunong Metatesis =-pagpapalit ng posisiyon ng panlaping "-in" kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l, o y) Halimbawa: lipadin-nilipad, yakapin-niyakap Pagkakaltas ng ponema - mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema. Halimbawa: takip + an = takpan, sara + han= sarhan, labahan = labhan, dalahin = dalhin Paglilipat-diin = kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag ito'y nilalapitan. Mga sanggunian[baguhin | ]
Maugnayang Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969. Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ponolohiya&oldid=2084537" (责任编辑:) |