Dahil sa lalong sumasamang kalagayang pangkabuhayan at pampulitika, malimit na mga demonstrasyon ng mga estudyante’t manggagawa, at sumisidhing mga kaguluhang maaaring samantalahin ng mga komunista upang ibagsak ang demokratikong republika ng Pilipinas, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapairal ng Batas Militar .
Marami ang naligalig at nasindak sa pag-aakalang hindi na maiiwasan ang pagdanak ng dugo. Napatuon ang Pilipinas ang mata ng daigdig at buong pannabik na minatyagan kung kailang at kung hanggang saan maipagtatagumpay ang ganitong uri ng pamahalaan.
Nobela
Kung ang paksa ang pag-uusapan, masasabing nagbalik sa romantisismo ang karamihan sa mga nobelang lumabas sa Liwayway sa panahong ito. Karamihan ay nasa pamantayang komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang isapelikula.
Mailking Kuwento
Naging paksain ang mga simulain ng Bagong Lipunan, gaya ng mga tauhang nasasakal na sa magugol at mausok na lungsod, kahirapan ng pagkakatoon ng maraming anak, mga pang-araw-araw na pangyayaring kapupulutan ng aral. Nagpatuloy ito sa pagyabong bagamat marahil ay mangangailangan pa ng panibagong pagbibigay- sigla upang an gating mga manunulat ay magsikap makalikha ng mgaikling kuwento hindi masasamang maimulat pagkatapos itabi ang magasing kinababasahan niyaon.
Ang Dula at Dulaan
Inuri ni Nicanor Tionson ang sula sa dalawa.: Una, ang dulang palabas na siyang karaniwang tawag sa iba’t ibang dilang Pilipino, ma impluwensya man ng Kastila gaya ng mga bodabil at Stage show. Ganito ang itinaguri niya sa mga dulang ang panunahing layunin ay magdulot ng aliw. Ang mga ito raw ay eksapista sa kalikasan at sa mga sandali ng panonood ay nakapagpapalimot ng mga suliranin. Ang inuri naman niyang paloob ay iyong “sumasalamin sa lipunan at sa pakikisangkot ng tao sa lipunang iyon.”
Sa pagpasok ng panahon ng Bagong Lipunan ay nabigyang- sigla ang mga pagsasadula. Nagpatuloy ang napasimulan nang mga pagsasalin sa Pilipino ng mga klasikong opera. Nagkaroon din ng mga pinagsanib na dula, awit at sayaw na nagtatampok ng mga kautubong atin.
Ang Tula
Katulad ng iba pang naunang panitikan, ang tula ay kinakailangan ding makisunod sa uri ng panahon. Ang ilang makata ay bumalik sa mga paksang ligtas talakayin, gaya ng pag-ibig, bihay at kalikasan. Ang iba naman ay nagpatuloy sa mga higit na malalim na kaisipan ngunit maingat na ikinubli sa mga simbolismo at iba pang pamamaraan ang mga tunay na saloobin. Sa ano’t ano man, ang panulaan sa panahong ito ay may malawak na nasasaklawang mga magagamit na paksang- diwa at ang pinagkakatalunan na lamang ay ang pamamaraan at lalim ng pagtalakay na magagawa ng makata sa kabila ng umiiral na paghihigpit.
PANAHON NG IKA- APAT NA REPUBLIKA
Batay sa resulta ng halalan, laganap ang anomalya at karahasan sa buong kapuluan na nagtakdang nananatiling nakaluklok ang dominanteng partido ng Kilusan ng Bagong Lipunan. Subalit sa pagsusuri ng NAMFEL, si Gng. Corazon Cojuanco Aquino ang nararapat hirangin bilang bagong pangulo ng bansa. Sa kalaunan, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng sambayanan, nailuklok si Pangulong Aquino at napatalsik ang diktaturyang Marcos. Sa panahong ito, naisulong ang demokrasya.
Panulaan
Pinakapayak man na anyo ng pahayag, ang mga tulang naisulat mula 1986 hanggang sa kasalukuyan ay nakapaglalarawan ng kabuuang sistema ng panahong kinapapalooban.
Maikling Kuwento
Nasa antas pa lamang ng panibagong pagpapakilala at pagpapaunlad ang wikang Filipino noong mga unang taon ng dekada ’80. Kaakibat ng pagpapayaman at pagpapalawak ng talasalitaan ng ngayo’y isinabatas na wikang pambansa ang pag-aangkat ng salitang bayaga bagamat ipinananatili ang tradisyunal na pagbaybay. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, Malaya ang daloy ng wika sa mga kuwento at walang mariing pagtutol sa mga akdang nasusulat sa Taglish (Tagalog-English).
Dula at Dulaan
Ang dulaan marahil ang pinakamasigla nitong mga nakaraang taon.Patunay rito ang kabi- kabila at sunod-sunod na pagtatanghal sa mga paaralan at tanghalan sa buong bansa.
Sanaysay
Marami sa mga nagwaging sanaysay mula 1986 hanggang sa kasalukuyan ay pagsusuri sa mga akda ng mga kilala kundi man higanteng persona sa larangan ng panitikan.
PUMUNTA SA:
Panahon ng Katutubo
Panahon ng Kastila
Panahon ng Propaganda
Panahon ng Himagsikan
Panahon ng Hapon Panahon ng Amerikano Panahon ng Republika
Panahon ng Bagong Lipunan (责任编辑:)
|