MAHAHALAGANG PAG-UNAWA 1. May tungkulin at responsebilidad ang bawat opisyal. 2. May mga patakaran (checks and balances) ang isang organisasyon upang maiwasan ang pang-aabuso ng kanilang mga opisyal at paglaganap ng katiwalian. 3. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na pondo sa pagpapatakbo ng isang organisasyon. 4. 4. Walang idinudulot na mabuti ang pagiging makasarili. TALASAYSAYAN • boleta – tiket o papel na nagbibigay ng karapatan sa nagmamay-ari nito na magkaroon ng bahagi o silid sa Manila Galleon na paglalagakan ng mga kargamento • cacique – may-ari ng malawak na lupain • cumplase – kapangyarihan ng gobernardor heneral na ipagpaliban o huwag ipatupad ang batas ng Spain o dekreto ng hari dahil hindi ito praktikal o hindi kayang isagawa sa panahong iyon • encomienda – pagkakatiwala ng mga lupain at ang mga nakatira rito sa ilang mga opisyal na Espanyol kung saan tutulong sila sa pagpapakalat ng kulturang Espanyol, pagpapalaganap ng Katolisismo, at pagbibigay-proteksiyon at pagsingil ng tributo sa mga katutubo • Patronato Real – kasunduan ng hari ng Spain at ng Santo Papa sa Rome na palaganapin ang Katolisismo sa mga lupaing sakop ng Spain; dito ay hinirang ang hari bilang Real Patron na may kapangyarihang magtalaga ng mga obispo sa mga kolonya • polista – isang manggagawa na naglilingkod sa polo • polos y servicios – tinawag ding prestation personal; pagtatrabaho para sa komunidad ng mga lalaking may edad 16 hanggang 60 taon ayon sa itinatakda ng pamahalaan sa loob ng 40 araw sa bawat taon • principales – mga nangungunang mama-mayan sa mga antas ng lipunang kinabibilangan ng mga dating datu ng mga sinaunang barangay • reduccion – sapilitang pagtitipon sa mga katutubo sa iisang pook upang madali silang mapamahalaan ng mga Espanyol • residencia – imbestigasyon tungkol sa mga natupad na tungkulin ng papaalis na gobernador heneral o opisyal ng pamahalaang kolonyal • Vice Real Patron – titulo rin ng gobernador heneral bilang pinakamataas na kinatawan ng hari ng Spain • Viceroy – itinalagang mamuno sa isang bansa, lalawigan, o kolonya bilang kinatawan ng pinuno na tulad ng hari • visitador – opisyal ng pamahalaan ng Spain na ipinadadala sa kolonya upang siyasatin ang paraan ng pamamahala rito Nagsimula ang pananakop ng Spain sa Pilipinas noong 1565 na tumagal hanggang 1898. Sumaklaw ito ng 333 taon sa kasaysayan ng Pilipinas. Gayunman, noong 1571 lamang naging pormal na kolonya ng Spain ang Pilipinas nang italaga si Legazpi bilang gobernador heneral o kinatawan ng hari sa pamahalaang kolonya. Mula 1565 hanggang 1821, hindi direktang pinamahalaan ng Spain ang kapuluan dahil ang pamamahala ay dumaraan muna sa viceroy ng Nueva Espana (Mexico sa kasalukuyan). Bilang isang kolonya ng Spain, nanaig ang interes ng mga Espanyol sa pamamahala sa kapuluan ng Pilipinas. Nagpataw ng buwis ang mga administrador ng Espanyol sa mga katutubo at nagdaos sila ng mga gawain para sa pansarili nilang kapakinabangan at sa kapakanan ng kanilang bansa. Samantala, bukod sa pamamahalang sibil, may kapangyarihang panrelihiyon din ang Spain dahil sa Patronato Real. Ayon sa kasunduan ng hari ng Spain at Santo Papa ng Simbahang Katoliko Romano, palalaganapin ng Spain ang relihiyong Katolisismo sa iba't ibang lugar sa daigdig. Nasa kapangyarihan din ng hari ng Spain ang pagpili ng mga obispo sa lugar na kolonya nito. Dahil sa Patronato Real,nagkaroon ng pagsasanib ang estado at simbahan kaya maging ang (责任编辑:) |