Ang layunin ng pagsusuri na ito ay masusing maunawaan ang mga hamon na hinaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng akademiks at sosyalisasyon. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral na may edad na labindalawa, kung saan lumalabas ang masusing pagbuo ng kanilang kakayahan sa komunikasyon. Isinagawa ang deskriptibong disenyo ng pananaliksik sa isang pribadong paaralan sa Baguio City noong taong 2023-2024. Sa aspeto ng akademika, ang pangunahing suliranin na naiulat ng mga mag-aaral ay ang pag-aatubiling magtanong kapag may hindi nauunawaan sa kanilang itinuturo. Sa sosyalisasyon, nasubok ang kanilang kakayahan sa paggamit ng wikang Filipino at ang paghahalo ng iba't ibang wika tulad ng Ingles at Ilocano. Ito'y nagresulta sa pagiging mahiyain ng mga mag-aaral sa pagsagot sa resitasyon at sa kahirapan sa pag-uumpisa ng isang pag-uusap. Bilang tugon sa mga hamong ito, natuklasan sa pagsusuri na nag-aapply ang mga mag-aaral ng pagsasanay sa sarili upang mapabuti ang kanilang kasanayan sa pagsasalita ng Filipino. Ang pag-aaral ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng wikang Filipino hindi lamang sa larangan ng akademika kundi pati na rin sa kanilang pangsosyal na buhay. Sa kabuuan, ipinapakita ng pagsusuri na ang pagpapahalaga at paghubog ng kasanayan sa Filipino ay may malaking bahagi sa pag-unlad ng komunikasyon at pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral. (责任编辑:) |